My Young Daddy (Tagalog)
Ang staircase ay dinesenyohan ng mga rosas na pula at puti, habang ang live band sa sala ay tumutugtog ng mga jazz at classical na kanta; dahilan para mapaindak paminsan-minsan ang mga bisita.
Dumadagsa ang mga taong sakay ng mamahaling sasakyan.
Dumating ang mga malalaking tao sa industriya ng negosyo, kabilang si Donato Santiago, ang CEO ng pinakamalaking bangko sa bansa, na kasama ang kaniyang asawang si Dra. Elena Santiago, isang kilalang neurosurgeon.
Naroon din ang senadorang si Margarita Villanueva na kasama ang kaniyang katipan, pati na rin si Carlos Reyes na direktor ng isang kilalang media network.