One Hot Night to Forever
“Talaga? You’re not pranking me or anything?”
“Bakit naman ako magbibiro? Mukha ba akong ganoong klase ng tao, Miss Yvangeline?”
Mabilis na umiling si Yvee. “H-Hindi! M-My kids are twins, Mr. Gideon. They are identical twins, kaya magkamukhang-magkamukha silang dalawa ng anak ko. S-Sandali—” Mabilis niyang kinuha ang kaniyang bag sa isang silya at hinalughog iyon. “M-May picture ako rito ng anak ko. Magkamukha naman sila ng nawawala kong anak kaya p'wede pa ring maging ebidensya iyon.” Nang mabunot niya ang cellphone niya ay agad niyang in-on iyon at sa kasamaang palad ay lowbat iyon. Hilaw siyang napatingin kay Gideon. “I-Im sorry Mr. Gideon. Low battery na ang phone ko—”