ANG PIYAYA NI PIPAY
Tumango ako sa kanya, at sa isang mabilis na paggalaw, inilapit ko ang aking labi sa kanyang mga labi.
Ang unang halik na iyon ay hindi lang basta simbolo ng aming kasal. Ito rin ay naging sagisag ng mga hindi nasabi, ng mga napagplanuhang lihim, at ng mga hakbang na hindi ko alam kung saan magtatapos. Iyon ang simula ng isang bagong kwento—isang kwento na hindi ko alam kung anong kahihinatnan, ngunit alam ko, hindi ko kayang magpatuloy nang wala siya sa aking buhay.