분야별
업데이트 중
모두연재 중참여
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
Contract Marriage With The CEO

Contract Marriage With The CEO

Walang ibang hinangad si Leil Hidalgo kung hindi ang mabigyan nang maayos at matiwasay na buhay ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang kapatid. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay biglaang naglaho, pati na rin ang kanyang pinakaiingatang trabaho. Kasabay ng kanyang paglugmok ay ang pagbabalik ni Roscoe Villafuerte, ang kaniyang dating kaibigan. Siya ang may-ari ng pinakamalaking construction company sa buong Pilipinas. Sa kanilang pagkikita, umusbong ang galit na mayroon si Roscoe kay Leil at dahil nasisiguro niyang nangangailangan ng pera ang babae, inalok niya ito ng kasal, kapalit ng bagay na sigurado siyang hinding-hindi matatanggihan ng babae.
101.8K 조회수연재 중서재에 48회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife

My Husband's Forbidden Deal: A Babymaker To Someone's Wife

“Babayaran kita ng dalawampung milyon, anakan mo lang ang asawa ko.” Para maitaguyod ang tatlo niyang anak, tinanggap ni Joshua—isang biyudong taga-probinsya, ang alok ni Rafael kahit labag ito sa kanyang kalooban. Akala niya, simpleng trabaho lang ang papasukin niya. Pero hindi niya alam na sa pagpasok niya sa marangyang tahanan ni Rafael, makikilala niya si Scarlette—ang babaeng babago sa takbo ng buhay niya. Sa mata ng iba, nasa kay Scarlett na ang lahat—may mayamang asawa, magandang buhay, at marangyang tahanan. Pero sa likod ng lahat ng iyon, isa siyang babaeng matagal nang nagdurusa sa malamig na pagsasama nila ni Rafael, isang negosyanteng desperado nang magkaroon ng anak. Magbabago ang lahat nang unti-unting mapalapit si Scarlett kay Joshua—sa lalaking akala nila ay isa lamang ordinaryong kasambahay. Habang lumalalim ang kanilang nararamdaman, mabubunyag naman ang pagtataksil ni Rafael. Guguho ang pamilyang pilit nilang binuo, at mas lalong gugulo ang lahat nang lumabas ang isang malaking lihim. Dahil si Joshua… ay hindi pala ang taong inaakala ng lahat.
10403 조회수연재 중서재에 10회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
The Cold Billionaire's Ex-Wife

The Cold Billionaire's Ex-Wife

Buong akala ni Amara, dahil sa mabait at mabuti siyang asawa ay makukuntento sa kaniya ang kaniyang asawa, ngunit sa kabila ng pagiging isang mabuting asawa nito ay nagawa pa rin siyang lokohin at paulit-ulit na saktan at patayin ang puso ng kaniyang pinakamamahal na asawa. Pinag tagpo ng tadhan ang landas ng dalawa sa isang sikat na Unibersidad sa sa kalakhang Maynila at pareho silang nag-aaral bilang College student. Si Amara ay transferee na freshman, habang in-coming graduated student naman si Andrew na heartthrob sa campus at kilalang numero unong playboy at mapag laro ng damdamin ng babae. Dahil na rin sa nababalitaan ni Amara sa ibang kapwa mag-aaral tungkol kay Andrew, pinangako niya sa sarili na hinding hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking 'yon. Kaya naman sa tuwing nakakasalubong niya ang lalaki para na lang siyang sinisilaban sa galit kaya parati niyang binabara ang lalaki at walang araw na dadaan na hindi sila magba bangayan. Hindi rin maintindihan ni Andrew kung bakit ganoon ang dalaga sa kaniya sa tuwing magkikita sila sa hallway o kahit saang parte ng paaralan. Para siyang dragona na magbubuga ng apoy ng anumang oras, pero sa iba napaka bait ng pakikitungo nito, taliwas ng pinapakita nitong ugali sa kaniya. Parati itong naka singhal at kino kontra ang mga gusto niya. Ngunit sakabila ng lahat naging masigasig sa panliligaw si Andrew sa dalaga, sa kabila ng lahat pinakita niya at pinatunayan sa babae na karapat dapat siya dito ngunit sadyang mailap talaga ito sa kaniya. Hanggang sa nag bunga ang panunuyo nito at nakuha ang matamis na OO nito. Ngunit ang masayang pagsasama ng dalawa ay may ka akibat na kalungkutan. Sa pagpasok ni Madison, ano kayang papel nito sa buhay nila. Siya ba ay isang kaibigan o mortal na karibal???
1016.8K 조회수참여서재에 621회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable

Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable

Sa mismong gabi ng kanyang kaarawan, gumuho ang buong mundo ni Althea. Pinagtaksilan siya ng sarili niyang pamilya, tinalikuran ng lalaking pinakamamahal niya, at ninakawan ng dangal dahil sa isang planong isinagawa ng mga taong pinagkatiwalaan niya. Pagmulat niya kinabukasan, katabi niya ang isang misteryosong estranghero—isang lalaking hindi niya kilala at hindi na niya muling nakita. Akala niya'y iyon na ang katapusan ng bangungot, ngunit makalipas ang ilang linggo, natuklasan niyang nagdadalang-tao siya. Mag-isa niyang pinalaki ang kanilang anak habang unti-unti niyang binubuo ang sarili mula sa mga pirasong winasak ng nakaraan. Kasabay nito, isa-isang nabubunyag ang mga kasinungalingan, pagtataksil, at lihim na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang buhay. Handa siyang bawiin ang lahat ng ninakaw sa kanya—ang kanyang dangal, pangalan, at kinabukasan. Ngunit paano kung ang lalaking minsang nakasama niya sa pinakamadilim na gabi ng kanyang buhay ay isa palang makapangyarihang bilyonaryo? At paano kung determinado itong angkinin hindi lamang ang kanyang anak, kundi pati ang kanyang puso? Sa mundong puno ng kasinungalingan, paghihiganti, at ikalawang pagkakataon, sapat ba ang isang gabing nagtagpo ang kanilang mga landas upang bumuo ng isang pamilyang itinadhana ng kapalaran?
59 조회수연재 중서재에 2회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
The Billionaire's Surrogate Bride

The Billionaire's Surrogate Bride

“She was untouched, innocent, and desperate. He was ruthless, dominant, and determined to have an heir.” --- Nang mag-apply si Solenne Villareal bilang maid sa mansyon ng isang bilyonaryo, ang tanging hangad lang niya ay magkaroon ng maayos na trabaho para maipagamot ang kanyang inang may sakit. Pero sa mismong araw ng pagpirma niya ng kontrata, biglang tumawag ang kapatid niyang si Julian—isinugod daw sa ospital ang kanilang ina matapos atakihin ng seizure. Sa sobrang kaba at takot, hindi na nabasa ni Solenne ang buong kontrata. Pinirmahan niya ito nang hindi iniisip ang magiging kapalit. The next morning, she learned the devastating truth. She wasn't hired as a maid. She was chosen as a surrogate bride. Ang kanyang employer, si Caelum Valtieri, ang cold at merciless billionaire, ay sinabi ang totoong nilalaman ng pinirmahan niyang kontrata. Siya ay magiging surrogate mother ng magiging heir nito at sa loob ng isang taon ay magsasama sila sa iisang bubong bilang mag-asawa. Bilang kapalit, ipagagamot ang kanyang nanay na may sakit at tutustusan ang pag-aaral ng kapatid niya hanggang sa makapagtapos ito. Gustong mag-back out ni Solenne nang malaman ito, pero nang makausap niya ang doktor na sumusuri sa kanyang Nanay Emilia ay sinabing kailangan nitong maoperahan kaagad, kung hindi ay baka manganib ang buhay nito. And with no choice left, she accepted the bargain that chained her to the man she feared the most. Para kay Caelum, isa lang siyang kontrata—isang sisidlan para sa tagapagmana. Para kay Solenne, siya lang ang natitirang pag-asa ng kanyang ina. Ngunit sa kasal na sinelyuhan ng desperasyon at kapalit na buhay, posible kayang mamagitan ang pag-ibig sa pagitan ng isang ruthless CEO at ng inosenteng babaeng napilitang ibigay ang lahat?
107.8K 조회수연재 중서재에 172회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
My Billionaire Husband Doted his First Love

My Billionaire Husband Doted his First Love

Mag-aanim na taon nang nagsasama sina Lilian at Marco kasama ang kanilang limang taong gulang na anak na si Justine nang bumalik ang unang babaeng minahal ni Marco; si Winona. Nabaling ang atensiyon ni Marco dito kasama na rin ang kanilang anak na labis na ikinasama ng loob ni Lilian hanggang umabot na sa sukdulan ang kanyang pasensiya. Ano ang maaring gawin ni Lilian sa tahasang pambabalewala sa kanya ng kanyang mag-ama? Mas pipiliin niya bang tiisin na lamang o magdesisyong iwan ang mga ito? Ano ang mahihinatnan ng kanyang magiging desisyon?
10615 조회수연재 중서재에 14회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS

BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS

Sa ikatlong taon ng kanyang kasal kay Morgan Cuntis, natuklasan ni Yelena kung sino ang tunay na minamahal ng asawa niya. Ang hipag nito, asawa ng yumao nitong kapatid na si Morris. Habang nasa gitna ng pagluluksa ang pamilya ay sumiklab ang gulo at walang pakialam ang lalaki basta’t maipagtanggol lang si Nova, sukdulang siya ang mabastos at masaktan. Tanggap naman ni Yelena ang dahilan ng pagpapakasal sa kaniya ni Morgan. Walang pagmamahal na nagbibigkis sa kanila. Napilitan lang itong pakisamahan siya dahil sa lahat ng babaeng pinagpipilian ng pamilya nito, siya ang masasabing matalino at masunuring manugang. Sa pagtatapos ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, patutunayan niyang hindi siya ang luluhod at magmakaawa. Babangon siya at magtatagumpay dahil nasa likod niya ang lalaking batas ang bawat salita at buhay ang katumbas ng bawat pagkakamali. Si Argus Armadda. Top Boss ng LE CADRAN PH. Isang Business empire na nagko-kontrol sa economic movers ng bansa at may sapat na kapangyarihang dumurog ng kalaban sa isang kisap lang ng mata. Mabubuo ba ang matibay na pagmamahalan sa pagitan nila kung unang mahuhubog ang obsession ni Argus kay Yelena?
9.7187.3K 조회수연재 중서재에 5.1K회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire

Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire

“You clawed your way into this position, Arniya. Now sit there like a good girl”- Nathaniel Verano. ~ “Let me take you away from all this. You don’t belong in their cage.” - David Sev Calderon. ~ "Everyone has their agenda. I just know how to play their tricks” – Arniya Belle Santillan. ~ Arniya Belle Santillan thought she had her future figured out. Arrange marriage with Nathan Verano, the man she once looked at with nothing but love, she believed she was walking into a life of stability—maybe even happiness. But the more time passes, the more Nathan starts to feel like a stranger. Cold. Controlling. The kind of man who only cares about keeping his family's image spotless, no matter the cost. Trapped in an engagement she no longer wants and expected to play the perfect fiancée to a man she barely recognizes, Arniya starts to lose herself. Then, she meets David—a man with a quiet intensity, and his reasons for hating the Veranos. He offers her something no one else ever has: a way out. But it comes with a catch. Now, Arniya is torn between the life she’s always known and the unknown path David opens for her. Can she risk everything to break free and take back control of her life, or will she end up stuck in a world that’s always told her who she should be?
105.7K 조회수연재 중서재에 114회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
797 조회수연재 중서재에 23회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
The Billionaire's Martyr Wife

The Billionaire's Martyr Wife

"Ngayong dumating na siya, saan ako lulugar sa buhay ng aking asawa?" Tatlong taon nang mag-asawa ang kilalang doktor at ObGyne na si Xoe Madrigal at ang CEO ng Accounting Firm na si Jake Aragon. Ngunit ang masayang pagsasama ay napalitan nang bumalik ang babaeng unang minahal ni Jake na si Kendra Miller. Paano kahaharapin iyon ni Xoe lalo na kung malalaman niyang nagdadalang-tao ang babaeng iyon kay Jake? Hanggang saan susubukin ang kanyang pagmamahal sa lalaki?
102.2K 조회수연재 중서재에 49회 third ending로 추가됨
보기
+보관함
이전
1
...
2728293031
...
50
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status