Liars Go To Bed
"Hmm? Every girl's dream? Teka lang, Ma'am, huli na yata ako sa balita. Pero correction lang: hindi lahat ng babae ay pangarap na maikasal. Maraming babae ang ayaw magpakasal hindi dahil ayaw nila sa ideya na 'yun, ha? Ayaw lang nila kasi anong point kung mabibilang na lang sa mga daliri ang mga matitinong lalaki? Ma'am, hindi basta-basta ang salitang kasal.
"Hindi siya tulad ng mga napapanood sa TV na romantic lang tingnan, e forever na. Naku, Ma'am! Hindi romance ang kasal. Commitment 'yun. Hindi rin siya fairytale. Isa siyang sagradong sumpaan. Once na nando'n ka na, there is no turning back. Kaya kung hindi pa buo ang loob mo, pwede pang magdalawang-isip," pinal na sabi niya sa akin.