Contracted To Break The Billionaire's Heart
Breaking him was her mission.
Sylviea, 27 years old. Isang runaway bride, tinakbuhan ang kasal na isang bayad utang ng mga magulang niya sa lalaking dapat mapapangasawa niya. Napadpad siya mansion ni Niro, kinanlong, inalagaan at minahal.
Ngunit si Gabriel, ang taong pinagkakautangan ng magulang niya, ay natunton siya. Bilang kabayaran sa utang nila at sa pagtakbo niya binigyan siya nito ng isang misyon,
“Break his heart, make his empire mine.”
Loving her was his downfall.
Sa gitna ng pighating dinadamdam ni Niro Figarlan, isang business tycoon, mula sa annulment ng kasal nito sa unang asawa. Dumating sa buhay niya si Sylviea. Isang panibagong pag-asa para sa kan’ya, naging kanlungan niya at di nagtagal ay natutunan niyang mahalin.
Pero paano kung ang pagmamahal ay nagsimula lamang sa isang misyon? Misyon na mismong sirain siya? Truth that can kill the soft billionaire and turn him into a cold and heartless monster.
At makakaya pa kaya ni Sylviea na ipaglaban ang nararamdaman niya? Kung maiipit siya sa gitna ng kaligtasan ng pamilya niya at saktan ang taong minamahal na niya?