Contract and Marriage
“Para sa kung hanggang kailan tayo magiging mag-asawa?”
Napapikit ako sandali, pilit na tinatanggap ang bigat ng kanyang sinabi. Hindi ko nagustuhan ang tanong niyang iyon. Pakiramdam ko, para bang isang kasunduan lang ang lahat ng ito para sa kanya. Hindi ko hinayaan ang sarili kong mag-alinlangan, kaya marahan kong hinawakan ang kanyang mukha, hinaplos iyon gamit ang magkabila kong kamay, at pilit na pinagtagpo ang aming mga mata.
“Marriage certificate. Iyan lang ang kontratang pipirmahan nating dalawa, at kasama natin ang ating mga saksi. Bukod doon, wala nang iba dahil wala ka nang kawala sa akin, Noelle.”
Hot Chapters