SEAL OF LOVE
" Hindi ko akalain, napakaswerte ng araw na ito; kinasal na ang apo ko at may bagong miyembro na ng pamilya,"
Nang tapusin ang seremonya, kinuha ng mayor ang kanilang mga kamay at iniabot sa kanila ang kasunduan. Ang opisyal na kontrata ng kanilang kasal, isang dokumento na magtatali sa kanila hindi lamang sa salapi at lupa kundi pati na rin sa mga pangako ng buhay magkasama. Ang bawat pirma na inilagda nila ay isang pormal na pagtanggap sa isa't isa, at ang mga salitang isinambit ng mayor ay nagpatibay sa lahat ng ito. "Ngayon, bilang opisyal na mag-asawa, kayo ay malaya nang magsimula ng inyong buhay na magkasama," wika ng mayor. "Pwede mo nang halikan ang iyong bride , Mr. Jarred Heart,"
Hot Chapters