Anna
32
PUMUNTA akong falls at isinawsaw ang mga paa at muntik ko na itong bawiin ng maramdaman kong gaano ka lamig ang tubig. Iniwanan ko muna si sir Marcus sa kubo at pumunta ako dito sa falls, busy ang lalaki sa kakahanda ng mga dala nitong mga pagkain, mag pi-picnic daw kami. Hindi ko naman alam na may mga dala na pala siyang mga pagkain bago niya ako sinundo sa hotel. Napangiti ako sa effort nito, ngayong araw hindi muna ako mag iisip ng kong anong mga negatibong bagay, ayaw kong sirain ang moment na ito.