YAYA MOMMY (TAGALOG)
69
MAMA:
12 midnights, go outside. Someone will wait for you there and pick you up. If you want to see your brother alive then follow me. You probably don’t know what I can do, Jossa :)
Buong gabi ako hindi mapakali. Buong gabi ako hindi makapag-isip ng maayos at tama. Hindi rin ako makausap ng maayos dahil tango at iling lang ang sagot ko. Magulo ang isip ko. Walang ibang nasa isip kundi ang kalagayan ni Anton. Paano siya napunta roon? Paano siya nakuha ni Ma’am Ana? Anong nangyari? Bakit gano’n ang hitsura niya sa litrato? Anong ginawa nila sa kapatid ko?