Devouring Beauty
“Mala model ang height ko, makinis ang balat, youthful face at higit sa lahat,”
Tumayo ako at itinaas ang kaliwang kamay habang ang kanan ay nasa ibabaw ng aking ulo–nakahawak sa kaliwa. Ipinaghiwalay ko ang aking mga paa at bahagyang tumingala. Dahil sa suot kong white crop top at blue high-waist jeans, na-exposed ang maliit kong tiyan, “Sexy body–Aray! Ano ba, Hyla! Bakit ka nambabatok?”
“Siraulo ka kasi! Oo, alam naming mala-dyosa ang ganda mo pero seryoso kami rito!” naiinis nang sabi ni Hyla.
ตอนยอดนิยม