CARIÑO ETERNO
Dahil alam kong wala akong masasaktan, madidismaya, matatapakan, at makakalaban na kapwa tao.
Muli akong napatingin sa kalangitan, ang ganda nila pagmasdan. Ano kaya ang kwento sa likod ng kanilang taglay na kagandahan?
“Selestina” bigla ko siyang naalala. Nakatingin din kaya siya sa mga bituin? Kung ganoon ay masaya na ako na parehas kami ng tinitingnan. Marahil ay masaya na siya kung asan man siya ngayon. Nakakalungkot lang dahil alam kong hindi na kami muli pang magkikita. Alam kong hindi na siya babalik pa sa lugar kung saan kami muling nagkita. Marami namang kilalang mga dayuhan yun, may may itsura pa sa akin. Hindi kami bagay, dahil magkaiba ang aming mga lahi.
Hot Chapters