Diary Ng XXX Celebrity
Gusto kong mabasa ang unang page niyon para kahit pa paano ay makilala ko na siya, baka may malaman ako na tungkol sa totoo niyang pagkatao.
Dear Diary,
Sad. Nasunog ang bahay namin, may cancer pa si lola, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala rin akong makausap kaya naisipan kong magsulat ng diary ko. Mukha ngang hindi bagay kasi parang pambabae lang ang ganito, pero wapakels na. Gusto kong gawin ito, para kahit pa paano, parang may kausap ako.