LOVE RETURNS WHEN SEPARATED
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, "Sa totoo lang ay wala akong ideya sa nagiging kilos ngayon ni Daniel lalo na at malayong-malayo iyon sa mga ikinikilos niya noon. I mean, may iba siyang mahal na babae at hindi madali para sa isang lalaki na kalimutan ang kaniyang first love."
Napailing si Luis, "Bakit? Naging madali rin ba para sa iyo na kalimutan siya?" tanong niya agad na sinagot naman ni Agatha ng isang iling. "See, huwag mong sabihing lalaki lang ang hindi mabilis makalimot dahil kahit sino ay hindi mabilis makalimot sa kanilang mga first love, unless, they were betrayed by their loved ones."
الفصول الرائجة