Embracing the Trouble Maker
At the end, nag swap nalang kami ng juice, aware akong sobrang asim ng blueberry soda pero pinipilit pa rin nitong ubusin nang walang reklamo, bigla tuloy akong nahiya.
Hindi na namin napansin na wala na pala sila Cypress at Ivy sa harapan namin at hindi na namin sila makita sa sobrang daming estudyante ang nakaka salubong namin. Gusto ko pa naman silang ayain pumunta sa Kiss Booth ng Junior Highschool pero sabi ni Elkayne ay kami nalang daw ang pumunta.
Limang piso kada kiss mark, dahil may barya ako sa bulsa, ako na ang nag bayad. "Wait lang po, Ate. Kumukuha lang po ng pang tatak," sabi ng isa sa nag m-manage ng kiss booth.
ตอนยอดนิยม