The Fall of the Queen
Ramdam ko ang mabilis na pagtulo ng luha ko, kung kaya’t agad niya iyong pinunasan at ngumiti sa akin.
“Cyrus, sa magulo kong mundo, ikaw ang nagbigay ayos at kalinawan doon. Noong mga una, palagi kong isinasantabi ang aking sarili para sa aming mundo. Hindi ko na iniisip kung ang sarili ko ba ay sobrang maapektuhan, lalong-lalo na ang kaligayahan ko. Palagi kong isinasantabi ang sarili ko dahil isa akong reyna na inaasahan ng lahat. Marami akong pagsubok na kinaharap, at mangilang beses na bumagsak, pero nang mapadpad ako sa mundo ng mga mortal at nakasama ka ay nabago ang lahat. Sa tabi mo, roon ko naramdaman na magagawa ko pa lang ngumiti at tumawa na parang isang normal na nilalang lang.
Hot Chapters