Owning Her (tagalog)
"Napaka-superstitious mo naman. Blessing 'yan, noh. Biruin mo, 'di lang ambon ang ibinagsak ng langit. Bagyo pa! Oh, ha, saan ka pa love na love ka ni Papa God, 'di lang super guwapo nang napangasawa mo kundi super yaman pa, day!"
Natawa na lang siya at napailing sa sinabi nito. Wala naman itong alam kaya hindi na lang niya pinatulan ang sinabi nito. Siguro, hanggang mamatay siya ibabaon na niya ang bahagi na iyon ng buhay niya. Wala na dapat may makaalam pa no'n maging ang pamilya niya dahil masasaktan lamang ang mga ito. Lalo na ang Itay niya. Paniguradong sisisihin nito ang sarili.
Hot Chapters