The Billionaire's Baby Maker
dagdag ko.
Hindi kaagad nakapagsalita si Margaux ngunit kapagkuwan ay muli siyang nagtanong. “I-if he’s healthy t-then why…”
“Dengue,” sagot ko at malakas na bumuntong hininga. “Iniisip mo siguro na, ‘dengue lang pala, bakit namatay?’. Pero kasi, hindi tulad niyo, wala akong pera na pampagamot. Mukha akong pera? Baka. Baka nga hinabol ko si Gab noon dahil sa pera… p-pero para naman sa anak niya ‘yon, ah? Bakit masama kung humingi ako ng pera sa kaniya? Pero alam mo kung magkano ang nakuha ko diyan sa magaling mong boyfriend? Wala. Kahit piso, wala. Hanggang sa mamatay na ang anak namin, hindi niya ako tinulungan.”
Bab Populer