Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Dark Boss 1: The Glass Slippers

Dark Boss 1: The Glass Slippers

cicatrizexxx
Hindi makatarungan ang pagaaruga ng kanilang mga magulang sa kanilang magkapatid. Mas pinapaburan ng mga ito ang kanyang kakambal. Nang dahil lamang sa isang kasunduan, itinakda ang kanyang kapatid sa isang lalaki. Sa araw ng kasal ay nakiusap si Bella sa kanya na siya ang humalili rito upang itali sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikita ang mukha. Nabuhay siyang malungkot at nag-iisa sa loob ng mga taong siya ay may asawa na. Taliwas ito sa kanyang nakasanayang pamumuhay bilang isang suwail na anak. Nakukuha lamang nitong suportahan siya sa kaniyang mga pinansyal na pangangailangan. Dahil rito parang nabuhay ulit ang dating siya. Hindi siya makakapayag na maging sunod-sunuran sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikilala. Parang nakikisama sa kanya ang pagkakataon at nakadaupang-palad niya ang kanyang kababata na binigyan niya noon ng kanyang babasaging tsinelas at sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang tawag ng laman ng kanyang pumipintig na pagkababae. Handa na ba makipagsapalaran si Hyacinth Herrera sa init na kaniyang pinasok? Mananaig kaya ang sensasyong hatid ng kababatang si Thaddeus Siriad Vanesteri o ng asawang si Dairis Vaughn Conor?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

aranew
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
Romance
1024.9K viewsCompleted
Read
Add to library
After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!

After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!

"I want divorce. Let's end this contract marriage, Gabriette. Sign this." Iyon ang malamig na sinabi sa kaniya ng asawa niya. Halos nabingi si Gabriette Amarylle at tumigil sa pag-ikot ang mundo nila. Akala niya ay maayos na ang lahat sa kanila ngunit bigla siyang gustong hiwalayan ng kaniyang asawa na si Jax Thaddeus Fortier. Matapos ang lahat ng paghihirap niya para makuha ang loob ng lalake... Tiniis din niya ang pananakit ng lola ni Jax sa kaniya tuwing wala ang asawa. Tinanggap niya rin nang malaman ang sekreto nito na pagiging leader ng isang mafia organization. Ngunit sa divorce din pala magtatapos ang lahat. Hindi agad siya sumuko. Sinubukan pa niya na ilaban ang kasal nila. Hanggang sa lumala lamang lahat. Isang gabi, matapos magdala ng babae ang asawa niya sa mansion, muntik na siyang mapatay mismo sa kanilang tahanan para lamang pirmahan na niya ang divorce agreement. Takot at galit ang naramdaman ni Gabriette. Mabilis siyang pumirma at duguan na umalis do'n habang may laman na ang kaniyang sinapupunan. Umalis siya at nagpakalayo. Sa gabing 'yon, nangako si Gabriette na hindi na siya muli maaapi at kailanma'y hindi niya ipaaalam sa mga Fortier na may nabuo sila ni Jax. After divorce, she hid her baby to his mafia daddy. Ngunit hanggang kailan niya ito maitatago?
Mafia
10554 viewsOngoing
Read
Add to library
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
679 viewsOngoing
Read
Add to library
In Ninong Santino's Bed

In Ninong Santino's Bed

Hindi naging madali ang buhay ni Cataleya Lorenzo. Lumaki siyang walang ina at ang tanging pamilya niya ay ang ama niyang palaging abala pero kailanma’y hindi siya pinabayaan. Sa Amerika siya nagkaisip, malayo sa mundong tunay niyang pinagmulan. Pagbalik niya sa Pilipinas, isang linggo pa lang ang lumilipas nang ipakilala sa kanya ng ama ang matalik nitong kaibigan—si Santino Rosales. Matagal na niyang naririnig ang pangalang iyon, pero hindi siya handa sa kung anong klaseng presensya ang sasalubong sa kanya. Walang nabanggit ang ama niya tungkol sa lalaking may tinging kayang tumagos sa laman, tinig na malamig pero nakakakuryente, at lakas ng loob na hindi mo puwedeng bale-walain. Si Santino Rosales ay isang kilalang propesor, negosyante, at taong hindi basta nalalapitan. Pero habang tumatagal, lalong nahuhulog si Santino sa bitag ng sarili niyang damdamin. At nang biglang bawian ng buhay ang ama niya sa isang aksidente, naiwan siyang walang mapuntahan kundi ang bahay ni Santino. Sa huling hiling ng ama niya, ito na ang magiging tagapangalaga niya. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, sa bawat tahimik na gabing sila lang ang naroroon, mas lalong humihigpit ang tali ng damdaming hindi dapat umusbong. Anong gagawin niya kung ang nag-iisa niyang tagapagtanggol ay siya ring lalaking unti-unting bumibihag sa puso niya?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
1027.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Living Under My Evil Stepbrother's Rule

Living Under My Evil Stepbrother's Rule

Juliana has everything that money could buy, at hindi kasama doon ang pagmamahal ng isang magulang. Her mother made sure of that the day she married her stepfather, a man twice her age, in exchange for wealth and status. Kaya naman nang mabalitaan niyang nasawi ang mga ito sa isang aksidente, wala siyang naramdaman na kahit ano. Ni isang patak ng luha ay walang tumulo mula sa kanya. She already lost to money the only family she had, kaya hindi na bago sa kanya 'to. For sure, after going through their burial, she would be back at the all-girls boarding school they sent her away to, and everything would stay the same. But just when she thought that nothing would ever change, nalaman niya ang laman ng last will ng kanyang ina. To claim her inheritance, kailangan niyang tumira sa iisang bubong kasama ang kanyang stepbrother, her stepfather’s only child from his first wife, until she turns 21 years old. Ang problema? She just turned nineteen a week ago before their accident! Dalawang taon niyang kailangang magtiis sa poder ng taong pinaka-ayaw niya sa lahat. At ang mas malaking problema? Their state, the mansion where her stepbrother currently resides, is far from the city and the life that she’s used to! It’s in a secluded area in a remote province! What would her life be like from now on? Hindi puwede ‘to! Mamamatay muna siya bago siya tumira kasama ang lalaking ‘yon na masahol pa sa demonyo ang ugali! But between hatred, lies, and the forbidden tension she couldn’t name, matutuklasan ni Juliana na may mga bagay na hindi kanyang diktahan, lalo na ang puso. — THIS BOOK CONTAINS MATURE THEMES, EXPLICIT SEXUAL CONTENT, AND SCENES THAT MAY BE DISTURBING OR TRIGGERING TO SOME READERS.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mayor's Paragon

The Mayor's Paragon

Nang maligaw si Elisha Hamandre sa maynila. Samu’t sari ang kamalasan na siyang naging isa sa pinakamalaking nagpapahirap sa kaniyang batang edad. Ngunit ng mangailangan siya ng Pera upang magamot ang kaniyang ina ay nangahulugan na kailangan niyang maghanap ng trabaho. Subalit ng siya ay makapag hanap ay laking pagkadismaya niya ng bigla na lamang siyang tinanggal sa trabaho, kahit labag sa kanyang kalooban ay nagsimula na lamang siyang maghanap muli. Pahanggang sa napadpad siya sa Isang signboard na may open hiring, pero Hindi niya expected na ang naghahanap ng karagdagang trabahador ay Ang bagong itinalagang Mayor sa kanilang Lugar. Kaya naman ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa ipinasok niya agad ang kaniyang pangalan bilang Isa sa mga Housemaids na kailangan mismo ng Mayor. Hindi niya aakalain na sa kaniyang pagpapasa ay biglang magbabago ang takbo ng kaniyang buhay Isang empleyado. Sapagkat mistulang kakaiba na Mayor ito na dahilan ng pagkakaroon niya ng sensual na sensation sa tuwing niyang napapansin. Laman din ng kaniyang imahinasyon ngunit pobre ang mayor. Masungit pero gwapo ngunit ito ay may anak pero hiwalay sa asawa. Ano nalang kaya ang mangyayare kung nagkaroon ng kakaibang tagpo na dahilan upang mas mainam na iwasan ito ni Elisha? kase kung Hindi siya hihinto ay paano na niya magagawa ang tanging puno’t dulo ng kaniyang determinasyon sa paghahanap ng trabaho at para sa kanyang Ina na may sakit at paano nalang ang kaniyang buhay kung Ang boss niya ay pilit siyang ginugulo? Not your typical Love Story.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Scars From The Past

Scars From The Past

Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
Romance
1.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
345678
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status