Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Carmela Beaufort
Isang dakilang nakatatandang kapatid kung ilarawan Celes ng maraming nakakakilala sa kanya bukod sa maraming sakripisyong ginawa niya upang mabigyan lamang ng magandang buhay at mapag-aral ang mga kapatid na halos makalimutan na niya ang sarili, lahat 'yon ay ginusto niya dahil sa pagmamahal niya sa mga ito. Ngunit isang pangyayari ang gumimbal sa kanya nang may isang pangyayari ang naghatid ng matinding takot sa kanya na maaaring nasa kapahamakan ang mga ito. Dahil doon ay nagmamadaling bumalik siya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga ito nang mapag-alaman niyang ilang araw ng nawawala ang mga ito. Agad naman niyang hinanap ang mga ito hanggang sa napadpad siya sa isang malaking mansyon sa kanilang kabayanan. Sabi ng may-ari niyon ay hawak nito ang kanyang mga kapatid at hindi umano ibabalik kapag 'di niya sinunod ang gusto nito—na magpanggap siyang isa sa kanyang mga kapatid. Hanggang saan aabot ang pagsasakripisyo niya mabawi lamang ang mga kapatid, gayong kaakibat niyon ay lolokohin niya ang lalaking naiwan din noon sa Maynila?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MGA TINIK SA KAMA

MGA TINIK SA KAMA

Walang perpektong pamilya, alam ko iyon. Away-bati. Tampuhan. Pagtatalo. Normal na tagpo ang mga iyon sa tahanan ng sinumang mag-asawa. Wala kaming ipinagkaiba ni Gavin pero kampante ako sa pagmamahal na ibinibigay ng asawa ko. Naniniwala akong sa kabila ng kawalan namin ng anak ay sa akin pa rin siya laging umuuwi. Ako pa rin ang nagmamay-ari ng mga salitang hangad na marinig ng karamihan sa mga babaeng nangangarap ng matinong kabiyak. Pero ang lahat ng bagay ay kumukupas nga ba pati ang pagmamahal? Sa araw ng wedding anniversary naming ay ginimbal ako ng kataksilan ng asawa ko. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako ang ginulat niya sa annulment paper na nilapag niya para pirmahan ko. Bumagsak ang aking mundo at sa sobrang desperasyon ay naisip kong magpakamatay. Pero imbis na magawa ang gusto ay natagpuan ko ang sariling pinipigilan ang lalaking nakasampa rin sa railing ng tulay at gusto ring tumalon tulad ko. Sa pagtatagpo naming dalawa, umusbong ang damdaming kinatatakutan ko na kung ang bilyonaryong kapitan ay handa akong samahang mahiga kahit sa mga tinik sa kama?
Romance
108.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Night with a Stranger

A Night with a Stranger

Isang salita para ilarawan si Leah Olaer: Mataba. At dahil sa kanyang matabang katawan, nagtaksil ang kanyang fiancé na si Kyle at ang babaeng pinagtaksilan siya ay tinawag siyang ugly fat duckling. Hindi lang puso niya ang nasaktan kundi pati ang pride niya bilang isang babae. Kaya naman nang gabing nalaman niya na niloloko lang siya ng kaniyang fiancé, pumunta siya sa isang bar at nilunod niya ang sarili sa alak. That night, Leah was so down, hurt, in pain and depressed, then she came across Achilles Williams. Ang gwapong lalaki na walang kahihiyang hinalikan siya sa harap ng maraming tao. Sa sobrang kalasingan niya, naulit ang halik na nauwi sa mainit na pagtatalik. Saka lang niya narealize na mali ang ginawa niya ng magising siya kinabukasan at wala na ang kalasingan niya. So Leah did the most reasonable thing to do. Tumakas siya. At napatunayan ni Leah na ang kasabihang 'Kahit anong iwas mo, ang kapalaran ay hahabulin ka.' Dahil kahit saan siya tumakbo, naroon si Achilles at naghihintay sa kanya para akitin siya. Maniniwala ba siyang iba si Achilles sa manloloko niyang fiancé? Hahayaan ba niya ang puso na mahalin ang isang makisig at guwapong lalaki na alam niyang hindi bagay sa kagaya niyang ugly fat duckling? O babaguhin niya ang sarili niya para maging bagay siya rito?
Romance
64.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

Walang modo, bully, bad boy at siga, ganoon si Shawn Rebato kung ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Kilala ito bilang leader ng fraternity sa isang University na pinapasukan nito. Lahat kinakatakutan si Shawn, ang mag-angas at humamon sa binata ay makakatikim nang matinding parusa. Hanggang sa isang transferee student ang malakas ang loob na kontrahin at hamunin ito. Si Charlene Dimagiba, isang transferee student. Nasunugan ng bahay sa Maynila kaya walang ibang pagpipilian ang magulang ni Charlene kung hindi ang bumalik sa Davao kung saan nakatira ang ibang kamag-anak nila. Back to zero sila. Kaya labag man sa loob ng dalaga ang paglipat ng school ay wala na itong ibang nagawa. Subalit hindi inaasahan ni Charlene na sa unang araw pa lang nito sa University, imbes kaibigan ang mahahanap niya. Isang kaaway pala ang makikilala nito agad. Lumaking palaban si Charlene kaya kahit anong pang pambu-bully ni Shawn ay hindi uubra sa kanya. Ngunit, pagdating sa insidenteng puri na ng dalaga ang nakasalalay ay ibang usapan na. Sa paanong paraan ba makakabawi si Shawn kay Charlene? Maniwala kaya ang dalaga kung aamin si Shawn sa totoong damdamin nito? Pero paano na lang kung malaman ni Shawn na may ibang mahal si Charlene? Kailangan na ba ni Shawn na magparaya?
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I'm Crazy For You

I'm Crazy For You

Sa gitna ng karangyaan ng Blue Ocean Cruise Ship, isang banggaan ng galit at kapalaran ang magpapasimula ng pagbabago sa buhay nina Cherry at Jal. Si Cherry, isang matapang at determinadong crew member na may fiancée na nangangalang David, ay umuusok sa galit matapos ang magulong araw sa trabaho. Sa isang aksidenteng pagkikita, napagkamalan niyang gigolo ang isang gwapong lalaki na tila walang pakialam sa mundo—si Jal. Ngunit ang hindi niya alam, ang lalaking kanyang sinigawan at tinawag na bastos ay ang mismong kapitan, CEO, at bilyonaryong nagmamay-ari ng barkong kanyang pinagtatrabahuhan. Ngunit sa ilalim ng liwanag ng buwan at sa kislap ng dagat, naganap ang isang gabing hindi nila inaasahan—isang mainit at mapusok na one-night stand na nag-iwan ng masakit na katotohanan: si Cherry ay nagdadalang-tao ng triplets. Habang patuloy na iniwasan ni Cherry si Jal, ang galit niya rito ay nagiging masalimuot na damdaming hindi niya maunawaan. Ang kanyang puso ay tila nagkakaroon ng sariling isip tuwing nakikita si Jal, kahit pa alam niyang may malaking sagabal sa kanilang dalawa—ang kanyang matagal nang fiancé na si David, na naghahanda na para sa kanilang kasal sa susunod na taon. Sa bawat araw na lumilipas, lalo siyang nahuhulog sa kakaibang ganda at pagkatao ni Cherry—isang damdaming hindi niya inasahan at pilit niyang nilalabanan. Ngunit paano kung malaman niya ang lihim ni Cherry? Paano kung matuklasan niyang siya ang ama ng mga triplets na dinadala nito? Pipiliin ba ni Cherry ang responsibilidad ng pangako kay David, o ang tawag ng pusong nagsisigaw para kay Jal?
Romance
103.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Wildest Night With My Stranger

Wildest Night With My Stranger

GUIECO CLAN SERIES #1 Kenya Guieco. Isang teacher-agent at babaeng nagmahal ng todo pero nagawa pa rin ipagpalit at iwan dahil lang sa hindi niya kayang isuko ang pagkakababae niya sa taong minahal niya. Kulang ang salitang sakit para ilarawan ang kung anong nararamdaman niya dahil ang ipinagpalit pa talaga sa kanya ay isa sa matalik niyang kaibigan. Nagmahal. Nasaktan. Naglasing. And then he met this hot stranger pero hindi niya naman type na siyang naging sandalan niya sa gabing wasak na wasak ang kanyang mundo. Hindi lang agresibong halik ang ibinigay niya sa lalaki kundi maging ang kanyang pagkababae na siyang sinisisi niya kung bakit nagawa siyang saktan ng taong mahal niya. Sinabi niya ding kaligayahan lang ang habol niya sa lalaki. Na bukod sa maka mundong ginawa nila ang gabing iyon ay wala na siyang balak na ikonekta ang buhay niya sa binatang hindi niya naman kilala. Pero sadya nga yatang mapaglaro ang tadhana dahil muli silang pinagtagpo. Sa bawat sakit na nararamdaman niya ay nandoon ang binata para pawiin iyon hanggang sa nakasanayan niya ng laging nasa tabi niya ang binata. Ngunit hindi niya inaasahan na ang gabi kung saan una silang pinagtagpo ay ang gabi din kung saan magsisimulang tumibok at magmahal ulit ang sawi niyang puso. Paano niya malalagpasan ang nagbabadyang ikalawa niyang kabiguan kung ang taong kanyang naging karamay ay ang taong mawawala ulit sa kanya? Bibitiw ba siya kagaya nong una o ipaglalaban niya ang kanyang nararamdaman para sa taong binansagan niyang ‘STRANGER’?
Romance
1044.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
12
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status