Diary Ng XXX Celebrity
“Tama ka riyan, Mira. At higit pa riyan, kita mo naman, kahit simpleng sangkap, na-transform niya. Hindi lang galing sa kusina, may puso talaga ang paggawa.”
“Oo nga,” dagdag ni Lola Avi, hawak ang kamay ko. “Irina, hija, may kakaiba talaga sa iyo. Hindi lahat ng tao, kayang gawing espesyal ang ordinaryong mga pagkain. At iyan ang pinakamahalaga sa buhay, ang makita ang kagandahan sa simpleng bagay.”