How To Be A Mistress
“Alam mo ba, Eris… bago ako naging tagagawa ng uniporme ng Sanctum, ako ang personal na sastre ng iyong ina?”
Napatigil ang mundo ko. Ang buzz ng karayom ay tila naging background noise na lang. “Anong sabi mo?”
“Huwag kang gagalaw,” babala niya habang patuloy ang pag-ukit ng petal ng rosas. “Kilala ko si Isabella Valderama. Napakaganda niya, parang ikaw. Pero ang ganda niya ay naging sumpa. Noong panahong sikat pa ang inyong pamilya, madalas siyang pumunta sa akin para magpatahi ng mga gown na may matataas na kwelyo at mahahabang manggas. Bakit?”
인기 회차