The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)
Hindi pa man nakakapagsalita ang abogado nang mapatingin siya sa lalaking kasama nito.
Maputi ito, matangos ang ilong, may malamlam na mga mata, at ang katawan nito ay tila isang modelo. Kung tutuusin ang itsura nito ay papasa bilang isang artista dahil sa angking kagwapuhan nito. Pero sino ito at ano naman ang ginagawa nito dito?
"Mrs. Asuncion--"
"Miss-- Miss Delos Reyes, hindi na ako kasal, Attorney Torres. So bakit po kayo nandito matapos niyo pong ibigay kay Auntie Isabel ang mga titulo ng property nila Papa?"