My Russian Boss (SPG)
Kingina, hindi ko akalaing sa buong buhay ko bilang isang Ark, na kilala sa pagiging seryoso, malamig, at tinitingala sa mundo ng negosyo, mararanasan kong tumalon mula sa bintana ng silid ng mga kasambahay para lang hindi mahuli ng sarili kong mayordoma.
Kung makikita ako ng mga business associates ko o ng mga tauhan ko sa kompanya sa ganitong estado, baka isipin nilang nabaliw na ako.
Pero nung iangat ko ang tingin ko patungo sa bintana, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Trina kasama si Rina na nakadungaw. Ang cute niya tignan habang bahagyang nakakunot ang noo, halatang kinakabahan pa rin na baka may nakakita sa akin.
Bab Populer