CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)
As if on cue ay parang iisang tao ang mga itong nagsihawian at pinakita sa kanya ang plato ng pagkaing inihanda ng mga ito.
Nilapitan ni Alex ang mga pagkaing nakahain at isa-isang sinuri ng maigi ang pagkaka-prepare ng mga ito. Marahan lang siyang tumango pero hindi siya nagbigay ng komento. “Give me some cutlery,” utos niya. Agad naman siyang inabutan ni Jessica ng set ng kutsara, tinidor at kutsilyo. “Thank you,” tanging saad niya lang dito, saka niya muling ibinaling sa pagkain ang atensyon. Metikuloso niyang sinuri ang mga ingredients na visible sa plating ng pagkain, bago niya tinikman isa-isa ang mga ito.