UNDERGROUND BOSS
"Tao lang din kami at mamamatay din,Sheree. Even we trained well. Lalo na sa martial arts at sa paggamit ng patalim, kung bala ng baril na ang tumama sa katawan namin. We don't know, kung mabubuhay pa kami o tayo. We are a human. Iisa lang ang buhay natin. Always remember this, Sheree. Cherish your life while you're still alive. Hindi natin hawak ang ating buhay. Tulad ng mommy mo, kung kailan siya umalis sa military, saka naman nangyari ito sa kanya."
"H-Hindi ka ba nagdududa sa nangyaring ambush? Hindi ako naniniwala na….na..-"
"Iniimbestigahan ko pa. Huwag ka mag-alala. Kahit ako, duda rin sa nangyari sa mommy mo."
Huminga naman ako ng malalim.
Hindi man ako katulad nila Che-Che na isang