ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO
Napangiti si Marco, mabagal, ’yung tipong ngiting kayang magpa-init ng aircon kung gugustuhin.
“Pwede bang ikaw na lang panoorin ko buong gabi?”
Smooth. Diretso. Walang kahirap-hirap.
Namilog ang mata ni Jasmine.
“Aba! Ang bilis mo ha. Hindi pa mainit ang popcorn, nag-bobolero ka na agad?”
Lumapit si Marco, mahinahon, hindi agresibo—pero may tikas na parang sanay mang-akit kahit hindi sinasadya.