THE BILLIONAIRE'S INSTANT MOMMY
Ang daling manghusga ng mga taong ito dahil lang sa estado ko sa buhay.
"Mayumi is not just a temporary nanny, Mom," mariing singit ni Zandro. Ang kaniyang boses ay naging malamig at seryoso, sapat para mapatingin sa kaniya ang lahat ng tao sa sala. "She is Sebastian's personal nanny, at siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa anak ko. Mayumi, iakyat mo na si Sebastian para makapagpahinga."
Tumingin ako kay Zandro at nakita ko ang pagiging matatag sa kaniyang mga mata, tila sinasabi sa akin na huwag kong pansinin ang sinabi ng kaniyang ina.