Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Unfortunate Hookups and Romance

Unfortunate Hookups and Romance

Si Xerxes Santillan III o mas kilala bilang Tres ay isang magaling na CEO sa mismong family business nila. Kilala ang kanilang kompaniya sa bansa at halos lahat sa kaniya ay perpekto. Mabait, guwapo at supportive. Maliban do'n, maganda ang kaniyang buhay, at may maganda ring singer na girlfriend. Ngunit sa kabila ng perpekto niyang buhay ay hindi pa rin niya mapapayag ang babaeng minamahal sa isang kasal. Parati na lang siyang naghihintay at sumusuporta sa mga pangarap nito. "Babe, please give me one more chance. I'll make sure na after nitong crusade performance ko sa Italy, ay magpapakasal na tayo." sabi nito sa kaniya sa ika-apat na proposal niya kay Lian. Tinakbuhan lang naman siya nito at walang sabi na umalis patungong airport. "Pero ang sabi mo, after ng concert mo sa Paris ay sasagutin mo na ako." giit niya, pero hindi niya pinaalam na galit siya at dismayado. "I'm sorry, babe. Babawi ako sa'yo after, okay?" Kung kailan nakahanda na ang lahat ay saka naman ito aalis bigla. Mahal niya ito, kaya kahit anong pilit niya, kung mahal din nito ang pangarap nito, ay wala siyang ibang magagawa kundi ang mahalin rin ang pangarap nito. Sa kaparehong araw, namamalayan na lang ni Travis na kasal na siya at nagising sa isang kama na may kayakapan na ibang babae at walang saplot. Ano kaya ang magiging love story ni Travis, gayo'ng nagtaksil na siya sa kaniyang nobya?
1010.9K viewsCompletedAdded to Library 229 Times as moonlight shine on paris lyrics
Read
+Library
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
103.0K viewsCompletedAdded to Library 107 Times as moonlight shine on paris lyrics
Read
+Library
The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

"Ma, ano ba? Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo! Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng utos at nais ninyo. Bakit ngayon, isang hiling ko lang, bakit ayaw niyo akong pagbigyan?" Hindi ko na mapigilang umiyak, ang sakit sobra. Anak niya ako, bakit kailangan niyang magdesisyon na ako dapat? Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko galing sa kanya, na hindi ko na ikinagulat pa. Sanay na ako sa pananakit niya simula noong bata pa ako hanggang ngayon, na 23 years old na ako, lalong lalo na pag hindi ko sundin ang gusto niyang mangyari. "How dare you na sagutin ako ng ganyan? Ako ang bumuhay sa'yo kaya ako ang magdedesisyon. Kaya wala kang karapatan na kalabanin ang nais ko!" Inis na sigaw niya sa akin, kulang na lang sabunutan niya ako. "Ma, mali naman kasi kayo, ayaw ko pa pong magpakasal. Ipakasal niyo ako nang hindi niyo man lang ako tinatanong? Ma, please babalik na lang ako ng Paris," pagmamakaawa ko, ngunit tanging titig lamang ang pinupukol niya sa akin at walang bakas na naawa ito sa akin. Bakit, Ma? "Enough!" Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko sa kabilang pisngi ko na ikinabagsak ko sa sahig. "Belphoebe Sinclair, sa gusto mo o hindi, magpapakasal ka sa lalaking 'yun." Parang echo ang boses niya na paulit-ulit sa tenga ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang ginawa akong bayad sa hindi ko alam na utang. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko kilala at hindi ko naman mahal.
447 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as moonlight shine on paris lyrics
Read
+Library
A Crippled Wife in a Cold Marriage

A Crippled Wife in a Cold Marriage

On the fifth wedding anniversary of Kate and Vincent, saka naman umuwi sa bansa ang “white moonlight” ni Vincent, ang babaeng minahal niya noon at kailanman ay hindi niya nakalimutan. Sa gabing iyon, isang katotohanang mas masakit pa sa sampal ang nadiskubre ni Kate. Narinig niya si Vincent sa loob ng banyo, binibigkas ang pangalan ni Mitch habang nilulunod ang sarili sa pagnanasa. Sa sandaling iyon, malinaw na malinaw na sa kanya ang lahat. Ito pala ang totoo. Ito pala ang dahilan kung bakit, sa limang taon nilang mag-asawa, hindi man lang siya kailanman hinawakan ng sariling asawa. Sa limang taon ng kasal, hindi niya narinig ang I love you, pero paulit-ulit niyang narinig ang pangalan ng ibang babae. Ang pangalan ni Kate. “She’s alone.” “I promised her.” “She’s more suitable than you.” At sa bawat paliwanag ni Vincent, iisa lang ang sagot ni Kate. Alam ko. Okay. Go. Walang sigaw. Walang luha. Hanggang sa isang araw, pinili niyang umalis. Habang abala si Vincent sa babaeng hindi niya kailanman nakalimutan, tahimik naman na inihanda ni Kate ang sariling pag-alis…Palihim na nag-aral, nag take ng exams abroad, nag-apply ng visa, at inihanda ang annulment agreement. Nang akala ni Vincent ay wala na siyang babalikan, doon niya siya nawala. At nang muling nakita ng mundo si Kate, hindi na siya ang babaeng iniwan, kundi ang babaeng hindi na kayang abutin. Pero huli na ang lahat, dahil ang babaeng iniwan ni Vincent noon, ay isang babaeng hindi na niya kayang hawakan.
7.35.7K viewsOngoingAdded to Library 125 Times as moonlight shine on paris lyrics
Read
+Library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status