Married A Coward Liar, Loved By My Dad
“Alam kong tunog selfish ito, pero hindi pa ako ready sa mga misunderstanding. Bukod pa doon, ang katayuan natin sa mansyon ay dapat magbiyenan at manugang pa rin. Ayaw kong magkaroon ng maling pag-unawa ang mga tao at lalong gumulo ang lahat. Habang mag-asawa pa kami ni Russel, kailangan nating panatilihing lihim ang relasyon natin, Dad.”
Tinitigan siya ni Weston nang malalim. Hindi siya nakipagtalo o namilit. Tumango lamang siya bilang pag-intindi sa mga dahilan ni Lori.
“I understand, Lori. Ako na ang bahala sa lahat. Dahan-dahanin natin ito, okay?”
Tumango si Lori noon, nakaramdam ng ginhawa at pagkaantig. Sobrang naiintindihan siya ni Weston.