Ang Maalindog na Maid ni Señorito Lorenzo
Agad naman siyang ngumisi at lumapit.
“Hi tita! I knew it, you’re also a beauty!” kinikilig na sambit ni ate Lauren.
Natawa naman si mama at niyakap si ate Lauren.
“Welcome to our home, Lauren,”
“Thank you tita!”
“Ate, this is my sister Kara, tapos bunso si Clark and Hikari, Clark’s girlfriend,”
Isa isa niyang niyakap ang mga pinakilala ko. Nangingiti ko nalang silang pinanood. Nilapitan ko ang dalawang lalaki at tumulong na rin ako sa mga gamit namin.