His Personal Maid
Palaisipan lang sa kanya ngayon kung bakit hindi siya kinompronta, kung bakit hindi siya inusisa, kung bakit hinayaan lang siya ng mga ito na pagala-gala sa kanilang kabahayan na walang takot at panggamba.
"Wala akong narinig na kahit anong masakit na salita galing sa kanila. Iningatan nila ako. Inalagaan, pinadama ang karapat-dapat na pagmamahal na ni minsan hindi ko iyon naramdaman sa inyo! Pinotrektahan ko sila laban sayo dahil wala naman silang kasalanan sayo, tay. Sa kabila niyon, hindi rin madungisan ang pangalan niyo. Pero ang hindi ko lang matanggap ay bakit pati ang lalaking mahal ko? Bakit humantong kayo sa ganito, tay? Gaano ba kalaki ang galit mo sa kanila na handa kang pumatay?.
Bab Populer