Lahid
"Kung ganun, tatanungin kita, hanggang kailan mo ba mamahalin ang taong lubos mong minamahal?"
Hindi ako nakapag imik ng ibinalik sa akin ng aking ina ang aking naging tanong sa kanya. Hindi ako makasagot at di malaman ang isasagot ko.
"Eduardo," anya ng aking ina sa aking pangalan ng makitang hindi ako nakasagot."Anak, kung lubos at tunay kang nagmamahal sa kanya, ito ay walang hangganan. Ang tunay na pagmamahal ay walang nakikitang hangganan, kahit ang kamatayan hindi ito ang tanging hangganan sa mundong ito anak. Tulad namin ng ama mo, lahat noon ay itiniis ko kahit ayaw ako ng mga magulang niya dahil isa akong indiyo. Tinanggap naman ako ng iyong ama kahit isa akong busabos sa palengke n
Bab Populer