A Night With Mafia
“Tatagan mo ang loob mo anak dahil wala kang ibang kakampi sa mundong ito kundi ang sarili mo lang. Alam kong nahihirapan ka na at ipinagmamalaki kita dahil sa dami ng nangyayari sayo, sa buhay mo, sa pamilya mo nananatili ka pa ring nakatayo at malakas. Lumaban ka, hindi na maganda ang ginagawa ng ama mo kaya piliin mong lumaban. Kung kailangan mong tumakas, gawin mo.” tipid na ngumiti si Athena, kahit naman gustuhin niyang tumakas hindi niya magawa. Nagawa na nga siyang kidnapin ni Gavin pero hindi pa rin siya nagtagumpay, nagising pa rin siyang nasa loob ng pamamahay nila.