Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hiding Her Identity

Hiding Her Identity

Diena
I am just an ordinary woman who are used to not be valued because I am not suited to be with a rich man. It is unfair and I am hurt. There's no status in life when it comes to love but it's different now because the poor are just for the poor and the rich are for their fellow rich. When my ex-boyfriend and I broke up hindi na ako muling pumasok sa isang relasyon, na trauma na ako. Akala ko pwede ang isang tulad kong mahirap para sa kanya na isang mayaman pero akala ko lang pala iyon dahil ang mahirap na isang tulad ko ay malabo na mapunta sa isang mayaman na katulad niya. One thing that I want in life is to be loved by the person I love and see my worth even though I am a simple woman and I have a simple life. Unexpectedly, Kenzo Juaquin Marasigan came into my life. A freaking hot police man, a rich and heir of M&K Citi Hardware na may lihim na pagmamahal sa'kin matagal na panahon na. But what if he knows my true identity he will still love me as I am or he will only love me because of my true status in life?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE'S KARMA SERIES: I FALL ALL OVER AGAIN

THE BILLIONAIRE'S KARMA SERIES: I FALL ALL OVER AGAIN

Nahphintash
"R-Reed.... A-Anong ibig sabihin nito?" Halos manlambot ang tuhod niya sa nakita at nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha sa pisngi niya. Si Reed ay nakikipaghalikan sa isang babae at halos nalihis na ang soot nito pababa. Nakatalikod ang babae kaya hindi niya makita ang mukha. "Aliyah, Baby..." Naitulak ni Reed ang babae kaya nahulog ito sa sahig. "Ouch! What the h*ck!" Mura ng babae kay Reed. "Reed.... Ano? Magpaliwanag ka!" Sigaw niya habang nanginginig ang boses at punong-puno ng hinanakit ang mga mata na nakatitig rito. Tumayo ang babae at hinarap si Aliyah, "Well, well, well! Mabuti at nasampal na sayo ang katotohanan. Ilusyunada!" Bumaling ito kay Reed, "Babe, sabihin mo na sa kanya. Para hindi na tayo nagtatago." "Avery, get out now!" Kinaladkad ni Reed si Avery ngunit pumiglas ito. "Pwede ba Reed, magpakatotoo ka sa sarili mo. Alam kung ako pa rin ang mahal mo. I feel it, the way you kissed me." Inis na sigaw nito.
Romance
1029.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Minahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.”
Romance
9.41.7M viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (1316)
Read
Idagdag sa library
Resha Valentine
hahaha naiinis aq s kwento ..not too good to be true,, grabe naman legal wife cya ,e cya p nakulong haysss... 😅,grabe naman ang pagiging maimpluwensya ng pamilya whitman hehe,, npakamartir . tsaka kung gnyanin aq ng lalaki nako.kht mahal ko never aq mgpaganyan ,naloka aq s storya ..pro sayang
Soo Jeong Lee
nakakakawa ang kalagayan ni madie bakit ganito kalupit angbkwentong ito. ang sakit ng dinanas nya sa kamay ng asawa nya. dapat matauhan na si madie at magbagong buhay saka na sya bumalik pag mayaman na sya at maging matapang matutong pumatay para katakutan sya ng mga taong nagkasala sa kanya
Basahin ang Lahat ng Review
Dela Cerna's Other Woman.

Dela Cerna's Other Woman.

BLURB, Napilitan si Nica Mae Romero na mamasukang katulong/ driver sa mansyon ng mga dela Cerna, kung saan namamasukan bilang family driver ang kanyang ama. Ngunit nagkasakit naman ang kanyang ama kaya kailangan nitong tumigil sa pagtatrabaho. Dahil sa marunong naman din siya at maalam sa mga sasakyan ay siya na ang kinuhang kapalit na driver, dahil na rin sa pakiusap ng kanyang ama at ng tiyahin niya na mayordoma sa mansyon. Sa pagpasok niya bilang katulong at driver sa mga dela Cerna, ay hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa kanyang among lalaki. Alam niyang hindi pwede ang kanyang nararamdaman, dahil nakatali na ang puso ng lalaking kanya ng minamahal. Paano niya mapipigilan ang kanyang damdamin kung sa araw-araw ay nakakasama n'ya ang lalaki? Papaano niya pa susupilin ang nararamdaman, kung alam niyang nahuhumaling na rin sa kanya ang amo niya? Magkaroon kaya ng happy ending ang nararamdaman nila para sa isa't isa, gayung kasal si Arnel kay Romary?
Romance
1020.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

Isang gabi, nahuli ni Roxanne Guevarra ang kanyang asawa na si Jameson Delgado na nakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Hindi siya nagdalawang isip na hiwalayan ito ngunit papaano kung ayaw siya nitong bitawan? Nakahanap naman siya ng kakampi at iyon ay ang nakakatandang kapatid ng asawa, si Devon Delgado na tutulungan siyang makatakas ngunit hindi iyon magiging madali. *** "Bakit mo ba tinutulungan ang asawa ko? Balak mo bang agawin siya sa akin ngayong nagkakalabuan na kami?" Napangisi si Devon sa kabilang linya, "Hmm...hindi ako mahilig mang-agaw pero binibigyan mo ako ng rason na agawin siya sayo." Kumuyom ang mga kamao ni Jameson na marinig ang sinabi nito. "Subukan mo lang." "Why not? Kasi kung hindi ka magbabago, at patuloy mong sinasaktan si Roxanne, then prepare yourself. Mawawala siya sayo sa isang iglap." Babala ni Devon. "You can't do that to me. Maraming babae sa paligid na pwede mong pulutin pero si Roxanne, pag-aari ko 'yan. So don't you dare!"
Romance
9.667.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

Limang taon ng matinding pag-ibig ang nagwakas sa pinakamapait na paraan. Iniwan ni William Ferrer si Erin sa araw mismo ng kanilang kasal—para sagipin si Menchie, ang kababata nitong nagtangkang magpakamatay. Sa puntong iyon, napagtanto ni Erin ang isang masaklap na katotohanan: hindi niya kayang tunawin ang pusong yelo ni William. Buong tatag niyang tinapos ang lahat ng koneksyon sa lalaki at nilisan ang Cebu, patungong Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Ngunit sa isang gabing puno ng alak at pangungulila, napunta siya sa isang hindi inaasahang sitwasyon—nagising sa kama ng isang cold-hearted billionaire na kaaway pa ng kanyang kapatid na si Randell. Walang iba kundi si Blake Gener! Sa pagsikat ng araw, tahimik siyang gumapang papalayo upang makatakas sa lalaki. Ngunit bago pa man siya makalayo, hinatak siya pabalik sa kama ng lalaki. Ang tinig ni Blake, mabagal at mapanukso, ay bumulong sa kanyang tainga, habang ang mga daliri nito ay dumadampi sa sariwang marka ng kiss mark sa sariling leeg: “My Little Erin.., akala mo ba makakatakas ka matapos mo akong angkinin? Hinalikan mo ako nang ganito— kailangan mo akong panagutan.” Sa mataas na lipunan ng mga mayayaman, kilala si Blake, ang nagmamay ari ng B&G corporation, bilang isang lalaking malamig at aloof. Ngunit walang nakakaalam ng kanyang lihim—ang kanyang pagmamahal sa kapatid ng kanyang mortal na kaaway. Mula noong may mangyari sa kanila ni Erin, bumaba siya sa kanyang pedestal. Ang paghanga ay nauwi sa obsesyon. Bilyun-bilyon ang ginastos niya para bilhin ang isang buong isla para lamang sa babae. Gulat man, hindi naiwasang magtanong ni Erin sa lalaki.. “Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin, Blake?” “Para sayo, my Little Erin.. Handa akong magpakababa, at bilhin ang mundo, basta, mahalin mo rin ako..”
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hiram na Asawa

Hiram na Asawa

Patong-patong ang mga problema ni Maria Averie Salvador. Bukod sa kailangan niya ng malaking halaga para sa chemotherapy ng kanyang Tatay, hinahabol din siya ng kanyang mga pinagkaka-utangan. Ubos na ang listahan ng mga taong pwede niya pang utangan at kahit pagtitinda niya ng isda sa palengke ay hindi maisasalba ang buhay ng kanyang ama. Ang masaklap, sa isang kisap mata ay tinangay siya ng mga armadong lalaki.Ngunit hindi niya alam na iyon ang babago sa kanyang buhay lalo na't nagimbal siyang makita ang babaeng kamukhang-kamukha niya. Isang Francheska Morales ang kumidnap sa kanya at nais nitong magpanggap siya bilang ito at gampanan ang pagiging asawa sa isang kilalang mabagsik na negosyante ng kanilang bayan. Kailangan nitong lumayo upang mabuntis at maibigay ang tagapagmana ng nag-iisang Sebastian Loki Inferno.Pikit-mata niyang tinanggap ang misyon kapalit ng malaking halaga. Ngunit binalot siya ng kaba matapos makaharap ang lalaking kinakatakutan ng buong bayan nila. Kaya niya bang maging pekeng asawa ng isang Sebastian Loki Inferno?"If you cannot give me a child, you better be dead," — malamig na bungad nito sa kanya.
Romance
9.8798.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love Me Harder, Mr. Billionaire

Love Me Harder, Mr. Billionaire

"Hindi ito isang laro lang, Vanilla. Simula noong pumayag kang maging girlfriend ko, hindi ka na makakatakas pa sa akin." salitang namutawi sa labi ni Zakari habang nakatitig sa magandang mukha ni Vanilla na nasa harap niya. Nag-umpisa ang lahat sa isang pagkukunwari at laro-laruang pag-ibig. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko ng kasintahan ni Vanilla na so Darren. Isang pagkukunwari lang naman sana ang lahat pero bakit parang gusto yata ni Zakari na totoohanin ang lahat at tuluyang agawin sa mismong kaibigan ang sarili nitong nobya? "Bro, ipinagkatiwala ko lang siya sa iyo pero hindi akalain na totoohanin mo pala ang lahat. Vanilla is my girlfriend. I love her at pwede bang ibalik mo na siya sa akin?" si Darren na walang ibang hangad kundi ang makuha ulit ang babaeng kanyang iniibig. Oo, nagkamali siya pero sana hindi iyun maging mitsa para agawin ng sarili niyang kaibigan ang kanyang nobya. Sino ang pipiliin ni Vanilla? Ang boyfriend niyang si Darren na nagawa siyang lokohin or si Zakari na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na pag-aari siya nito?
Romance
9.490.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Secret Wife Ako ni Professor Darien

Secret Wife Ako ni Professor Darien

Nagimbal ang buong mundo ni Harmony Tasha Crisostomo nang malaman niyang buntis siya… at ang ama ng bata ay ang sariling professor niya, si Professor Darien Atlas Legaspi, iyong lalaking naka-one night stand niya noong panahong lango siya sa alak! Nang sabihin niya sa lalaki ang sitwasyon, binigyan siya nito ng dalawang pagpipilian: ipalaglag ang bata o magpakasal sila. Pinili niyang magpakasal. Kahit mag-asawa na, hiwalay pa rin sila ng kwarto. Hanggang sa isang gabi, kumatok si Professor Darien at pinagbuksan ni Harmony. “Nasira aircon sa kwarto. Pwede bang dito muna ako?” At mula noon, hindi na ito umalis sa kwarto ni Harmony. — Isang araw sa klase, may nagtanong, “Totoo po bang kasal na kayo, Sir?” Ngumiti si Professor Darien. “Harmony.” Tumayo si Harmony nang tawagin. “Present.” “Harmony Tasha Crisostomo Legaspi is my wife,” sabi ni Professor Darien. “She's an excellent doctor and my beautiful lovely wife.” Nalipat ang lahat ng tingin kay Harmony at napalunok siya sa announcement ng asawa. Hindi kaya kuyugin siya ng mga fangirl ni Professor Darien? Kailangan na ba niyang tumakbo paalis?
Romance
10250.3K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (21)
Read
Idagdag sa library
Zandra Bacong
kumusta na kaya Ang author neto? is he/she sick? may emergency po ba? kaya di makapag update. Kase it's been months na ng huli ko Basta. Wala pa rin update. naka Ilan story na Ako natapos binabalikan ko Wala pa rin UPDATE
Rose-Anne Aguilar
Very nice story...️.. bawat episode masasabik kang basahin and take note nakakakilig yung atake ni author sa mga bidang character. Hindi nakakabored basahin kasi hindi pasikot sikot yung love story ni darien at harmony. Good job talaga si author sa bawat flow ng story...
Basahin ang Lahat ng Review
PREV
1234568
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status