Breaking Rules: The Sweetest Risk
Kaya ko bang i-risk ang katahimikan ng pamilya ko para sa lalaking mahal ko?
Hinaplos niya ang likod ko, mabagal, paulit-ulit, parang sinusubukang burahin ang sakit na nararamdaman ko.
“I’m sorry,” bulong niya. “I should’ve told you sooner.”
Iyak na lang ang sagot ko habang nananatili siyang nakayakap sa akin.
“I was selfish,” dugtong niya. “I wanted you to love me without complications. Pero kahit anong gawin ko, hindi nawawala ang multo ng nakaraan ko.”