Muling Pagtibok ng Puso
Marahan siyang humarap dito.
Nagulat siya sapagkat isang babaeng nakadamit maharlika ang kanyang nabungaran. Nakatayo ito sa may pintuan at napaliligiran ng limang kawal. Mayroon ding dalawang babaeng tagasilbi ang nakatayo sa kanyang likuran. Nakilala ang isa sa mga ito. Si Meliana, ang natatangi niyang tagasilbi noong siya pa ay nasa piling ni Braxton. Makahulugang tumingin sa kanya ang babae at tila may ipinapahiwatig. At nakita nga niya sa kaliwang bahagi ng kanyang braso ang ‘Marka ng Katapatan’ ni Meliana sa kanya. Ang markang iyon ang nagsisilbing ugnayan ng tagasilbi at ng kanyang amo. Hanggat hindi nawawala ang marka ay malalaman ng amo kung ang kanyang taga silbi ay tapat pa rin ba
인기 회차