Kakaibang Init (SPG)
Kumaway siya nung makita ako, kaya lumabas ako sa terrace para kausapin siya.
“So, kumusta ang mga solo scene mo kay Direk Rosales?” una kong tanong sa kaniya.
Nakangiti lang siya. “Hindi naman mahirap. Wala pa kasing dialogue. Puro lakad lang, emote-emote na kunyari ay masaya at relax kasi nasa bakasyon ako, ganoon lang,” kuwento niya. Tama, kahit ako ay wala pa rin namang dialogue na ginagawa, puro pag-e-emote palang.