One Night Stand with a Stranger
“ Eh paano magiging madali yan kung palagi kang iiwas at magsisinungaling sa kanila? Monica, lumalaki na ang mga anak mo, at habang lumalaki sila, parami ng parami ang itatanong nila. Sa tingin mo ba, lahat ng iyon, magagawan mo pa ng kwento? Jusko po, patawarin ka.”
At ramdam kong nagsisimula nang mainis si Mama sa pagmamatigas ko. Pero ang totoo, hindi ko pa nasasabi kay Mama ang buong kwento, kung paano nga ba nabuo ang mga bata. Ang alam niya lang ay lumayas ako, pero hindi niya alam na sobra kong kinahiya ang nangyari kay Miguel, dahil takot akong mahusgahan sa pagkatao ko, na ang mga bata ay nabuo sa isang one-night stand.
At ito ang pinakamalaking lihim na kinakahiyan ko, ang malaman