CARIÑO ETERNO
Tanaw na tanaw ko ang lawak nito, pero hindi ko makita ang dulo.
Ano kaya ang itsura sa kabilang dulo ng dagat na ito? May barko naman akong nakikitang parating na medyo malayo pa sa daungan. Sana ay magkaroon ako ng pagkakataon na makita ang iba pang lupain. Papalubog na ang araw kaya ang gandang pagmasdan ng nito. Kumikislap-kislap din ito dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa tubig. Hindi rin naman ganon kalakas ang alon sa dagat kahit na maulan nitong mga nakaraang araw. Ang sarap pakinggan ng pagtama ng alon sa mga bato, ang payapa at nakakapagpagaan ng pakiramdam. Napakasariwa at ang lamig ng hangin na mula sa dagat na humahaplos sa aking balat.
Tanawin na ring maituturing, pero ng mapa
الفصول الرائجة