The Ruthless Billionaire's Vow
Matapang naman na sinalubong ni Scarlet ang malamig na titig ng lalaki at minura niya pa ito.
“Ethan Montenegro! Naririnig mo ba ako?! I don’t want to live with you, so let me go, this instant! You beast, scumbag, and two-faced monster! You deserve to die…”
Malakas talaga ang loob ni Scarlet dahil siya lang ang nakakayang sabihin ito sa harapan ng isang ETHAN MONTENEGRO. Ang lalaking makapangyarihan at bilyonaryo. Bukod pa roon ay minura niya pa ito. Ang mga tauhan ni Ethan ay hindi alam kung saan titingin, sa takot kung saan anong p’wedeng gawin ng lalaki sa dalaga. Kilala kasi nila ang boss nila, wala itong kinakakatakutan at kahit ano gagawin nito.