One Hot Night to Forever
~~~~
Sa isang tahimik na bahagi ng tabing-dagat, nakaharap sa malawak na kalangitan, magkatabing nakaupo sina Yvee at Gideon sa camping chairs.
Humahaplos ang malamig na hangin at sa harap nina Gideon at Yvee ay unti-unting lumulubog ang araw—kulay kahel, ginto, at bahagyang pula na parang pintang dahan-dahang binubura ng dilim.
Tahimik lang si Gideon habang panaka-naka siyang tumitingin kay Yvee na abala ngayon.