After Work: A Naughty Maid for the Introvert Billionaire
Napakaseryoso ng mukha ni sir, pero infairness gwapo pa rin siyang tignan.
Agad na napasimangot ang mukha ko. Nabuhay bigla ang kabilang side ng pagkatao ko na pabalang-era "Aba, Sir! Napaka-unfair niyo naman po yata," mariin kong reklamo habang nakahalukipkip. "Sabado po ngayon, Sir! Araw ng kaligayahan ko, ibig sabihin, rest day ko po! May batas po tayo sa paggawa, bawal pong pakialaman ang day-off ng isang pagod na empleyado!"