Mr. Grayson Contract Love
Nanginginig ang mga kamay niyang tinawagan si Eric, ang kaniyang boyfriend pero hindi man lang niya sinasagot.
“Please, answer your phone. Answer your phone baby.” nanginginig niyang wika habang nagriring ang cell phone ni Eric pero nakailang ring na siya hindi pa rin nito sinasagot.
Halos hindi niya na kontrolado ang kamay niya sa sobrang panginginig nito. Hinanap niya sa contact niya si Layla, ang bestfriend niya at isa sa mga pinagkakatiwalaan niya. Tinawagan niya rin ito, nakakagat na lang ni Scarlett ang mga kuko niya habang hinihintay na sagutin ni Layla ang tawag niya pero gaya ni Eric hindi ito sumasagot.
ตอนยอดนิยม