Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife
Iyon ang prinsipyong itinanim sa kanya ng kanyang Lolo Felipe at ng kanyang amang si Don Antonio.
“Ang babae, para lang ‘yang sasakyan, madaling maluma kahit gaano pa kamahal. Ang kagandahan, pwede mo naman ‘yang palitan anytime or gawing koleksyon,” natatandaan pa niyang sabi ng kanyang lolo bago nito piliin si Andrea para mapangasawa niya, “Pero gaya ng isang sasakyan, malaking puntos kung mamahaling brand ang gamit mo. Kailangang mong pumili ng de kalidad na babae dahil iyon ang sasalamin sa iyong pagkatao. Isipin mo na lang kung isang pipitsuging jeep ang gamit mo laban sa isang luxury car? Sino sa palagay mo ang makakatawag ng pansin?”