Love you still
"Kaya naman kasing pigilan 'yon, e. Marami kayang gawin ang tao kapag pinairal ang emosyon, beyond sa mga bagay na akala natin ay hindi natin kaya."
Mataman na nakatingin lang ito sa akin.
"Kayang-kayang i-drive ng emosyon ang desisyon o aksyon ng mga tao, once na hinayaan, pinayagan at pinanaig mo. Na alam naman natin madalas ay hindi maganda ang kinakalabasan at wala ring magandang idinudulot sa dulo. Kapag galit ka... ‘di ba ikaw lang din ang nahihirapan? So, mas better kung pigilan na lang hangga't maaari... lalo na kung kaya naman," patuloy na paliwanag ko bago ito nginitian.
ตอนยอดนิยม