Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hiding My Student's Son

Hiding My Student's Son

Tila dream come true para sa isang single mom na si Ria Salazar ang makapagturo sa kilalang unibersidad sa bansa, ang Maxford University. Bukod sa nabigyan siya ng matinding breakthrough ay malaking tulong din iyon upang maibigay niya ang pangangailangan ng tatlong taong gulang niyang anak na si Kian. Pero unang araw niya pa lang ay agad na nagulo ang buhay niya nang pumasok sa klase niya ang 22-anyos na estudyanteng si Keith Jasper Sawada. Hindi siya makapaniwala dahil ang lalaking ito ay ang nakabuntis sa kanya apat na taon ang nakalilipas! At that point, Ria felt nothing but anger and distress after the abandonment he'd done before, so she kept the truth about their son. Pero gaano katagal maitatago ni Ria ang totoo kay Keith gayong tila hindi umaayon ang tadhana sa gusto niyang mangyari? "That boy, why on earth does he look like me?" -Keith
101.4K viewsOngoingAdded to Library 30 Times as empty space furniture
Read
+Library
Playing With My Boss

Playing With My Boss

Mahal na mahal nina Mathia at Draken ang isa't isa at halos hindi sila mapaghiwalay ng tadhana. Nangyari ang nangyari sa kanilang mga buhay at magbubunga 'yon ng isang bata na nasa sinapupunan ni Mathia. Ngunit imbis na sumaya ay nalungkot at halos bumigat ang pakiramdam ni Mathia nang bigla siyang iwan ng kasintahang si Draken. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngunit nagpakatatag siya para sa anak. At sa hinaba-haba ng panahong lumipas, muling magkikita ang dalawa gayundin ay masisilayan ni Draken ang kaniyang anak sa dating nobya. Bakit nga ba nagawang iwan ni Draken ang kaniyang mag-ina?
9.626.9K viewsOngoingAdded to Library 941 Times as empty space furniture
Read
+Library
After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

Sa araw ng libing ng kanyang ina, natabunan ng katahimikan ang mundo ni Amara Alvarez. Samantalang sa kabilang panig ng lungsod, ang lalaking tinawag niyang asawa ay nagdiriwang, isang marangyang birthday party, inihahandog hindi para sa kanya, kundi para sa unang babaeng minahal nito. Doon niya tuluyang naunawaan ang lahat. Hindi siya kailanman minahal. At ang isang relasyong walang pag-ibig ay wala ring saysay ipaglaban. Tahimik niyang iniwan ang mga papeles ng diborsyo. Tahimik niyang isinara ang buhay na ipinagkatiwala rito. At sa katahimikang iyon, ipinaalam din niya ang batang dinadala kasabay ng pagtalikod niya sa lahat ng dati niyang pinanghawakan. Lumisan si Amara mag-isa. Pagkaraan ng limang taon, sa isang marangyang auction, muling napatigil ang mundo. Ang punong auctioneer—nakasuot ng makintab na bestida at may puting belo sa mukha ay naging sentro ng atensyon. Kumipot ang mga mata ni Nardo Morales. May kung anong pamilyar sa tinig, sa tindig, at presensiya nito. “Ang pangalan niya… Amara?” “Opo,” sagot ng kanyang assistant. “May nag-alok ng milyon-milyon para makita ang kanyang mukha, pero tumanggi siya.” Sa sandaling iyon, parang may bumagsak na pader sa kanyang dibdib. Ang babaeng limang taon niyang hinanap at pinakawalan ay nasa harap na niya. Kinagabihan, sa isang madilim na interseksyon, hinarang niya ang dinaanan nito. “Auctioneer Mara,” malamig niyang wika, “hanggang kailan ka tatakas?” Huminto siya. Hindi man lang lumingon. “Mr. Morales,” matatag niyang sagot, “diborsyado na tayo.” “Hindi ako pumayag.” Bumigat ang tinig niya. “Nasaan ang anak ko?” Dahan-dahan siyang humarap. “Mr. Morales, tila kayo ang nakalimot. Limang taon na ang nakalipas mula nang nagpapalaglag ako.” Nanigas ang kanyang mukha. “Kung ganoon,” mariing sabi niya, “ano ito?” Sa harap ni Amara, tatlong batang limang taong gulang ang sabay-sabay na humakbang pasulong, nakahanay, magkakahawig ang mga mata, at malinaw na malinaw ang sagot sa tanong niya.
10484 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as empty space furniture
Read
+Library
Pregnant By The Billionaire I Never Saw

Pregnant By The Billionaire I Never Saw

Dahil sa matinding pangangailangan at sa inang nakaratay sa ICU, napilitan si Kaia na isuko ang sarili kapalit ng malaking halaga-isang desisyong kailanman ay hindi niya inakalang gagawin niya. Sa loob ng isang gabi, nakasama niya ang isang misteryosong lalaking nagpakilalang "Mr. C." Nakapiring ang kaniyang mga mata kaya't ni anino ng mukha nito ay hindi niya nasilayan. Tanging malamig na tinig, marahang haplos, at pangakong babalikan siya ang naiwan sa kaniya. Ngunit imbes na galit ang maramdaman, unti-unting nahulog ang loob ni Kaia sa lalaking hindi niya nakita. Isang kahibangan man para sa iba, pinanghawakan pa rin niya ang pangakong muli silang magkikita-lalo na nang malaman niyang nagbunga ang gabing iyon. Makalipas ang ilang taon, napadpad si Kaia sa isla ng El Nido kasama ang kaniyang anak na si Kairo. Doon niya nakilala ang magkapatid na sina Cassian at Caelum Delacroix-mga kilalang negosyante at tagapagmana ng isang marangyang resort empire. Naging malapit ang magkapatid sa kaniya, lalo na kay Kairo na agad nilang kinagiliwan. Ngunit habang tumatagal, lalong nagugulo ang isip ni Kaia. Parehong may mga bagay na nagpapaalala sa kaniya tungkol kay "Mr. C." Ang malamig ngunit mapang-akit na titig ni Cassian... at ang pamilyar na boses at pag-aalaga ni Caelum. Isa nga kaya sa magkapatid ang lalaking matagal na niyang hinihintay? Ang lalaking minahal niya kahit hindi niya kailanman nakita? O panahon na para buksan ni Kaia ang puso niya para sa panibagong pag-ibig?
168 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as empty space furniture
Read
+Library
Wife For 10 Million

Wife For 10 Million

Nang ma-scam ang pamilya ni Jade, tinanggap niya ang alok ng isang bilyonaryong lalaki na paupahan ang sinapupunan niya kapalit ng sampung milyong piso. Walang halong pag-ibig, pawang kasunduan lang… Ngunit bakit, sa huli, bigla na lang siya nitong ginawang asawa? At ngayong asawa na siya ng lalaking binayaran siya para magkaanak, ano na ang gagawin niya?
10590 viewsOngoingAdded to Library 20 Times as empty space furniture
Read
+Library
My Billionaire Stepbrother’s Deception

My Billionaire Stepbrother’s Deception

"Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'kin ka, kung ayaw mong masira ang dignidad ng pamilyang 'to." --- Pakiramdam ni Senra Lazurel ay nag-iisa na lamang siya sa mundo dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isa siyang stripper sa kilalang club at doon din ay nakilala niya ang taong hindi niya inaasahan... Si Ivran Moredad. Si Ivran ay isang binatang bilyonaryo na nais angkinin ang dalaga, ngunit hindi magiging maganda sa paningin ng tao dahil ito pala ang kaniyang magiging stepsister. Dahil sa pagkahumaling sa dalaga, isang supling ang naging mitsa ng dignidad sa kanilang pamilya. Makakalaya ba sila sa mala-presong lihim na ito?
10519 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as empty space furniture
Read
+Library
Carrying The Zillionaire Triplets

Carrying The Zillionaire Triplets

Kath was forced to marry a well known zillionaire— Noah Montenegro by her grandfather. Dahil sa pagiging anak sa labas ay tinanggap na niyang kailanman ay hindi siya naging paborito ng pamilya ng kaniyang ama. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya nakilala ang kaniyang ina dahil sanggol pa lamang siya ng iwanan siya nito. Her marriage with Noah was hell, dahil kailanmman ay hindi siya nito tinuring na asawa lalo pa at sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi niya nabigyan ng tagapagmana ito. Dahil dito ay nakipaghiwalay ito sa kaniya na hindi alam na meron na pala siyang dinadala. Sa paglipas ng taon na hindi nila pagkikita ay muling magkrus ang landas nila, magsilbi kayang daan ang mga anak nila upang muling mabuo ang kanilang pamilya?
9.330.1K viewsOngoingAdded to Library 1.1K Times as empty space furniture
Read
+Library
The Billionaire Mafia Who Became Her Nightmare

The Billionaire Mafia Who Became Her Nightmare

“I thought he was the dream I had been waiting for, but he turned out to be the nightmare that would haunt my entire life.” Oprah Rizario has everything she wants; a mansion, a lot of money and luxury life. Swerte siya sa buhay ngunit sa kabila nito ay hindi na niya kapiling pa ang kaniyang mga magulang. Hindi niya inaasahan na darating sa kaniyang buhay si Garrett Rhoden na nagtatrabaho sa underground business. Nais din nitong paghigantihan ang natitirang Rizario dahil sa pagkawala ng kaniyang ama. Sa kabila ng galit at poot ay hindi inaasahan na ang pagtatagpo nila ay magdudulot din ng hindi inaasahang pangyayari. Tuluyan bang maglalaho ang paghihinagpis at galit ng mga ito?
102.1K viewsOngoingAdded to Library 68 Times as empty space furniture
Read
+Library
My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)

My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)

My Baby’s Daddy Is My Ruthless Boss (SPG) Matapos mahuli ni Arch. Alex Reyes ang kanyang boyfriend na may relasyon sa sarili niyang best friend sa mismong engrandeng engagement party nila, nagpakalunod siya sa alak, sakit, at mga padalos-dalos na desisyon. Ang isang gabing puno ng init at tukso kasama ang isang delikadong gwapong estranghero ay dapat sana’y mananatiling lihim habang-buhay. Pero ilang linggo matapos ang gabing iyon, dalawang guhit ang tuluyang nagbago sa takbo ng buhay niya. Takot na muling iwan at masaktan, pinili ni Alex na tahimik na mawala at palakihin mag-isa ang batang dinadala niya. Determinado siyang magsimulang muli, nag-apply siya sa pinakamakapangyarihang kumpanya sa bansa—pero sa unang araw pa lang niya sa trabaho, bumaligtad na agad ang mundo niya. Dahil ang ruthless billionaire CEO na haharap sa kanya ay walang iba kundi si Azrael Laurent! Ang mismong lalaking nakasama niya sa gabing pilit niyang kinakalimutan at ang kinatatakutan ng buong business world. Ang mas masakit? Ni hindi siya nito maalala. Habang nagtatrabaho sa ilalim ng ama ng kanyang anak, pilit itinatago ni Alex ang kaniyang pinakamalaking sikreto habang iniiwasan ang mapanganib na epekto ng presensya ni Azrael sa kanya. Pero mukhang may ibang plano ang kanyang adorable ngunit makulit na anak. Mula sa inosenteng pagtawag nito sa billionaire na “Daddy,” hanggang sa biglaang pagsulpot sa opisina na taglay ang parehong mga mata at matigas na ugali ni Azrael, unti-unting winawasak ng munting batang iyon ang malamig na pader sa puso ng ruthless CEO. Nagsisimulang mahumaling si Azrael sa babaeng paulit-ulit na lumalayo sa kanya at sa batang tila konektado sa kanya sa paraang hindi niya maipaliwanag. Kapag tuluyan nang lumabas ang katotohanan, ipaglalaban kaya ng billionaire ang pamilyang hindi niya alam na mayroon siya… o tuluyan nitong sisirain ang pangalawang pagkakataon nilang magmahal?
10115 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as empty space furniture
Read
+Library
ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND

ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND

“I need you. Babayaran kita, just name your price, after.” Umiling si Carol, “N–No, don’t– huwag kang lalapit.” mariin na tugon ni Carol, habang unti-unti siyang nakakaramdam ng pagkahilo at pinipilit na lumalayo siya sa estrangherong lalaki. “Wala pang babaeng tumanggi sa akin ng ganito. Sorry, Miss, but I won’t let you go that fast– not now that I need you, bago pa ako magkalat ng eskandalo sa labas.” — Carol is secretly married with someone na hindi niya pa kahit kailan nakikita. Dalawang taon na silang kasal, pero sa picture lang, tapos bata pa roon ang asawa niya sa picture. Nang araw na kikitain na niya ang kaniyang asawa sa condo unit nito ay aksidente siyang napagkamalang bayarang babae ng isang lalaki, at ipinasok siya sa isang unit na may tila isang lasing at naka-drogang lalaki. After that night, tumakas siya at takot na takot na mahanap pang muli ng lalaki. Not knowing that is her husband! Laking gulat niya ng pag-uwi niya sa bahay ay annulment papers ang naghihintay sa kaniya. She thought she would be free now, ngunit ang hindi niya alam ay nakatakas man siya sa kaniyang asawa, pero nabaliw naman ito sa kaniya dahil sa gabing may nangyari sa kanila at pilit na ipapahanap siya sa mga tauhan nito! Kapwa nila hindi alam na mag-asawa pala sila!
102.7K viewsOngoingAdded to Library 80 Times as empty space furniture
Read
+Library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status