Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama
Lalong napatawa ang driver.
Iyon si Maeve. Dalawampu't isang taong gulang at isang fourth-year student sa Bulacan State University. Dean's Lister and Academic achiever, isa sa mga pinakarespetadong estudyante sa kanilang kolehiyo.
Kapag nasa loob siya ng classroom, akala mo ay isang napakaseryosong babae ay palaging may mataas na grado. Laging handa sa mga recitation. Laging may dalang notebook at laging maayos ang mga proyekto. Pero kapag nakilala mo siya nang mabuti, mapapaisip ka kung paano siya naging top student sa dami ng katangahang ginagawa niya araw-araw.