Hacienda Del Puedo #1 Hara
"Teka, thank you na naman. Sana I love na lang. Ang hilig mo sa thank you, sorry, etc. Ano bang meron sa mga salitang iyan at napakadaling lumabas sa bibig mo?"
Tumawa ang dalaga. Naalala niya na ganoon din ang reaksyon niya noon sa tuwing sinasabi iyon ng mga madre hanggang sa ipinaliwanag nila sa kan'ya ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.
"Those are magic words."
"Magic words? Parang stick ng fairy na kapag iginalaw, boom! May milagro na. Ganoon ba?"
"Parang gano'n na nga. Kaya ugaliin mong magsabi ng thank you, sorry, excuse me, pardon me, please."
Bab Populer