HOMBRES CALIENTES 3: ELIAS - THE OLD MAID'S DESIRE (SPG)
“Alright . . . Dahil mabait ako ngayon at may anghel na kasamang bumubulong na ipadala ko na raw, pagbibigyan ko siya— hindi ikaw. Maliwanag?”
Natawa siya sa hirit na iyon ng kaibigan. Kapag talaga ito ang kausap niya, nawawala ang bigat ng problema. Jacob’s effect to those around him is immeasurable. Kahit numero unong maloko at makulit ito, ito pa rin ang takbuhan nila madalas. At madalas, kahit may kasamang pamba-blackmail, balewala na lang iyon. Hindi rin naman nito ginagamit ang mga iyon sa kanila. Ganoon kabait si Jacob, kahit sinto-sinto. He’s a true friend. Wala itong katulad.
“Oh, stop praising me on your head. I already sent it. Bye!”
Bab Populer